Marami nang turista ang nagsasabing maganda at nakakahalina ang ating bansa dahil sa
natural na ganda nito. <3 Nais mo bang makita ang iba't-ibang lugar sa pilipinas? :)
Maria Cristina Falls |
Ang unang larawan ay ang Maria Cristina Falls. Ito ay matatagpuan sa Mindanao lalawigan ng Iligan. Ito ang pinagkukunan ng enrhiya ng Mindanao. Maraming turista ang nahahalina sa dumaragasang tubig nito. =)) ^_^
Boracay Island |
Ito ay matatagpuan sa Kalibo, Aklan sa Visayas. Mayroong puting buhangin at may malinis na kapaligiran :D Maraming turista ang pumupunta rito tuwing bakasyon upang masaksihan ang natatagong ganda nito! <3
Bulkan at Lawa na Taal <3 |
Nais niyo ba itong makita? Punta kayo sa Talisay Batangas at doon makikita ang napakagandang tanawin na nasa litrato sa taas! =))
Marami sa mga turista ang hindi pa nakakapunta sa mga lugar na dapat ay inihihilera sa mga tanawin na madalas pinupuntahan! Marami ring tanawin ang hindi pa natutuklasan dahil mas nabibigyang pansin ang mga naunang nadiskubre nating magagandang tanawin. Marami pa! Halika? Bisita tayo!
Kamay ni Hesus |
Ito ay isang pook pasyalan na matatagpuan sa Lucban, Quezon. Nalalapit na naman ang Mahal na Araw. Magdadagsaan na naman ang mga taong gustong mag sakripisyo. Bakit hindi niyo subukan na dito ito gawin? At nang masilayan mo naman ang kagandahan ng tinatawag na "Kamay ni Hesus".
Caramoan Island |
Ang Caramoan Island ay matatagpuan sa Camarines Sur. Nakikita niyo ba ang gandang hindi 'man lang maihelera sa Pinaka-nabibisitang lugar ng bansa. Sa Caramoan islnad rin makakakita ka ng Beach-Resorts na nakaka "WOW". =))
"Eden Nature Park" matatagpuan ito sa Davao City. Ito ay isang pasyalan kung saan matatagpuan ang isang napakagandang fish pond. At napakaraming iba pang magagandang makikita. Kaya't halina't mamasyal na <3
Leyte |
Ito ay isang atraksyon na nagpapakita ng kasysayan ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa Tacloban City sa Leyte. Dito dapat dinadala ang mga turista na naghahanap ng atraksyon. Makaka-enganyo ka na ng turista, ma-ibabahagi mo pa ang naging kasaysayan ng ating bansa. :">
Maraming mga turista ang mahilig sa mga Beach Resorts. At sa Pilipinas, napakaraming magagandang halimbawa nito. Ang pinaka-kilala ay ang Boracay. Pero hindi lamang ito. Marami pa. Lakbayin natin! :">
Pagudpud Beach |
Matatagpuan sa Ilocos Norte ang nasabing beach. Sa larawan pa lamang makikita na ang kalinisan at kagandahan ng lugar. Kaaya-ayang hangin, tubig at kapaligiran ang napapaloob dito. Hindi sobrang pinupuntahan ng turista ngunit NAPAKAGANDA =''>
Aquatico Beach Resort |
Sa resort na ito, makakakita ka ng napakagandang kapaligiran at makakalanghap ng sariwang hangin. Kung inyong makikita ang larawan, itong unang Pool ay mataas at pagbaba mo ng hagdan sa gilid makikita mo ang isang pool na nahahati sa gitna. Ang nasa gitna nito ay isang BAR kung saan maari kang magrelax :"> Meron din itong napakagandang dagat at may puting buhangin. Matatagpuan ito sa Laiya, San Juan Batangas.
Rose Gold Beach Resort |
"Odiba? Andami diba?"
It's really more fun in the Philippines di'ba? Napakaraming magagandang atraksyon sa ating bansa. Hindi lamang ito. Napakarami pa. Kung ilalagay kong lahat dito baka kulangin pa ang 2 araw para basahin itong blog ko.
Sa mga turistang naghahanap ng mapapag-libangan ngayong darating na bakasyon. Bisita na sa Pilipinas. Paniguradong pagbalik niyo mapapa- "WOW" kayo.
Marahil sa mga litratong inyong nakita nakapag-lakbay na kayo kasama ang inyong Imahinasyon :"> Sana'y iyong nagustuahn, at sana'y napangiti ka sa kagandahan ng aming Bansa :">>
Ano pang hinihintay? ...
HALIKA! PUNTA NA! PILIPINAS KAYGANDA! =))
Love,
Abegail Vergara Cruz <3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento